Ang mundo ay my iba’t
ibang lugar at ang bawat lugar ay may kanya-kanyang wikang pinapahalagahan.
Ang
wika ay napakahalaga sa isang nasyon. Nagagawa nitong pagbuklud bukludin ang
mga mamamayan at mas nagkakaisa ang bawat tao sa isang bansa. Nakatutulong ito
upang mas madaling ipahayag ang damdamin at kaisipan ng isang tao.
Sa
ating bansang Pilipinas, pinagkalooban tau ng iba’t ibang wika ngunit ang ating
wikang pambansa ay ang wikang Fillipino. Ito ang nag uugnay sa bawat lungsod at
lalawigan mula Luzon, Visayas at Mindanao. Binibigyan nito ng magandang
komunikasyon at pinapatatag ang samahan
ang mga Pilipino.
Sa
kabilang banda, napapantayan na ang wikang Filipino ng ibang wikang banyaga.
Hindi lamang napapantayan ngunit natatabunan na rin. Dahil sa paggamit ng ibang
wika, lalo na ang ingles, nakakalimutan na rin ng iba ang kahalagahan ng wikang
Filipino. Ito'y marahil sa sariling
interest ng isang taong matutong magsalita ng wikang banyaga upang magkaroon ng
komunikasyon sa ibang bansa. Siguro nasanay na rin
sila rito at ingles na ang ginagamit araw-araw.
Huwag
sana nating gayahin ang mga nagkakaroon lamang ng sariling interest at
nababaliwala na ang wikang kinagisnan. Ayon nga kay Rizal, “Ang di marunong
magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabaho at malansang
isda.” Sa halip, dapat tayong manatili
sa kinatatayuan at lalo pang pag-ibayuhin ang sariling wika. Ating isaisip at
isapuso na kahit saang sulok ng mundo man tayo makarating, Filipino pa rin an
ating wika. Wikang ibinigay ng Diyos upang ipagmalaki at pagyamanin.
relate :))... familiar too. hehe :D
ReplyDelete