14 September 2011

Pagpapahalaga sa Pambansang Wika


Ang mundo ay my iba’t ibang lugar at ang bawat lugar ay may kanya-kanyang wikang pinapahalagahan.

            Ang wika ay napakahalaga sa isang nasyon. Nagagawa nitong pagbuklud bukludin ang mga mamamayan at mas nagkakaisa ang bawat tao sa isang bansa. Nakatutulong ito upang mas madaling ipahayag ang damdamin at kaisipan ng isang tao.

            Sa ating bansang Pilipinas, pinagkalooban tau ng iba’t ibang wika ngunit ang ating wikang pambansa ay ang wikang Fillipino. Ito ang nag uugnay sa bawat lungsod at lalawigan mula Luzon, Visayas at Mindanao. Binibigyan nito ng magandang komunikasyon at pinapatatag ang  samahan ang mga Pilipino.

            Sa kabilang banda, napapantayan na ang wikang Filipino ng ibang wikang banyaga. Hindi lamang napapantayan ngunit natatabunan na rin. Dahil sa paggamit ng ibang wika, lalo na ang ingles, nakakalimutan na rin ng iba ang kahalagahan ng wikang Filipino. Ito'y marahil sa sariling interest ng isang taong matutong magsalita ng wikang banyaga upang magkaroon ng komunikasyon sa ibang bansa. Siguro nasanay na rin sila rito at ingles na ang ginagamit araw-araw.

            Huwag sana nating gayahin ang mga nagkakaroon lamang ng sariling interest at nababaliwala na ang wikang kinagisnan. Ayon nga kay Rizal, “Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabaho at malansang isda.”  Sa halip, dapat tayong manatili sa kinatatayuan at lalo pang pag-ibayuhin ang sariling wika. Ating isaisip at isapuso na kahit saang sulok ng mundo man tayo makarating, Filipino pa rin an ating wika. Wikang ibinigay ng Diyos upang ipagmalaki at pagyamanin.

            Ayon sa aking nabasa, hindi natin kailangan ng ibang wika upang umunlad. Ang kailangan natin ay kooperasyon at pagmamahal sa wika at bansa. Mabuhay!

1 comment:

Note: only a member of this blog may post a comment.

Pinned Post

2026 August Activities

  3-5 August -  Summative Examinations 15  August - Education Sabbath